^

Probinsiya

2 pulis tinodas ng Sayyaf

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawang pulis ang ini­ulat na napaslang sa pani­bagong paghahasik ng terorismo ng mga ban­didong Abu Sayyaf Group sa Zamboanga City at Su­lu, ayon sa ulat kahapon.

Sa police report na na­karating sa Camp Cra­me, si PO2 Marlon Alday, 27, ng Regional Mobile Group-4A ay naglalakad patungong palengke nang ratratin ng mga bandido sa bisinidad ng Barangay Walled City, Jolo, Sulu.

Samantala, si SPO1 Pendatun Jahama, 37, ng Panglima Sugala PNP station ay pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan habang palabas ng KFC Restaurant sa kahabaan ng Gov. Camins Avenue sa harapan ng 3rd Cup Restaurant sa Zamboanga City.

Kaagad na tumakas ng dala­wang armardong kala­lakihan na lulan ng motor­siklo kung saan idineklara namang patay si SPO1 Jahama sa Western Min­da­nao Medical Center.

Tinamaan naman ng li­gaw na bala ng baril ang ne­gosyanteng si Jan Ab­durahim, 50, ng Bonga, Tawi-Tawi.

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY WALLED CITY

CAMINS AVENUE

CAMP CRA

CUP RESTAURANT

JAN AB

MARLON ALDAY

MEDICAL CENTER

PANGLIMA SUGALA

SHY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with