^

Probinsiya

Brodkaster binasag ang bungo

-

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang brod­kaster na tumatayo ring correspondent ng lokal na dyaryo kung saan natag­puang durog ang bao ng ulo nito sa rest house ng radio station sa Barangay Lagao sa General Santos City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Chito Abuzo, 59, correspondent ng Sa­pol News Bulletin at block timer sa dxGS radio station na sinasabing pag-aari ni Danding Cojuangco.

Ayon kay SPO2 Angel Marquez, huling nama­taang buhay si Abuzo na nakikipag-inuman ng alak sa dalawang kasamahang brodkaster na sina Dodong Cabrera at Onel Solamin matapos ang kanyang pro­gramang “Ang Panglawas kung saan co-host nito si Cris Guarin.

Sa imbestigasyon, pina­bu­laanan naman nina Cabrera at Solamin na may kinalaman sila sa krimen dahil iniwan nila si Abuzo na nag-iisa sa nabanggit na compound.

Sa pahayag ng radio operator na si Engr. Boni­facio Galindo, nakarinig siya na may bumagsak sa sahig kaya kaagad niyang sinilip sa bintana.

Dito na bumulaga kay Galindo ang duguang kata­wan ni Abuzo na nakahan­dusay sa sahig kaya mabi­lis niyang ipinaabot sa pu­lisya.

Lumilitaw sa pagsisi­yasat ng pulisya na nama­taan ni Galindo ang kotse ni Eddie Ferrari na lu­mabas ng compound ng radio station matapos ma­tagpuan si Abuzo kaya posibleng isa siya sa pa­ngunahing suspek. Joy Cantos

ABUZO

ANG PANGLAWAS

ANGEL MARQUEZ

BARANGAY LAGAO

CHITO ABUZO

CRIS GUARIN

DANDING COJUANGCO

DODONG CABRERA

GALINDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with