BATANGAS CITY , Philippines — Bukod sa tanging tabloid newspaper na binabasa sa library ng mga estudyante sa De La Salle-Lipa City, ang Pilipino Star Ngayon ay ang tanging tabloid na pasado sa barometro ng catholic radio station na dwAL-FM 95.9 sa Batangas.
Sa panayam ng PSN kay Fr. Nonie Dolor at sa kanyang co-anchor na si Lita Bicol matapos ang kanilang pang-araw-araw na programang Dito Po Sa Atin, inihayag ng dalawang batikang brodkaster na ang Pilipino Star Ngayon ay ang tanging tabloid na ginagamit nila para kunan ng mga maiinit na balita.
“Kasi sa mga tabloid na pinagpilian namin, ang PSN ay hindi masyadong naglalabas ng masyadong violent stories, were more on the substance of the story,” kapwa pahayag nina Fr. Nonie at Ms. Bicol.
Mas binibigyang pansin ang developmental stories na magbibigay ng pag-asa sa mga listeners kaysa makapag-pollute sa kaisipan ng mga mamamayan, anang dalawang brodkaster.
Si Fr. Dolor ay chairman ng Commission on Social Communication of Mass Media for the Archdiocese of Lipa at defacto program director ng radio station dwAL-FM at dwAM 99.1 FM sa Batangas.
“Malaki ang naibibigay na influence sa tao batay na rin sa idinideliber nating news, its should not be sensationalized, we’re stressing more on mabuting balita, kung ano ang pwedeng magawa ng media sa bad news na sa bandang huli ay pwedeng maging aral sa aming mga tagapakinig,” ani Fr. Dolor.
“Yan ang nakikita namin sa PSN, it suits our parameters and purpose in delivering stories that would not give negative effects in our society,” dagdag pa ni Fr. Dolor.
Ang isa pang katangian ng PSN ay ang pagiging “child friendly” nito kasi hindi naglalabas ng mga obscene materials. “Imagine mo naman may mga es tudyanteng dumadalaw sa aming station tapos may makikitang mga bold pictures sa mga dyaryong binabasa namin, nakakahiya ‘di ba?” paliwanag naman ni Ms Bicol.
“Well, sometimes may nakakalusot na sexy pictures, pero looking it at large, we could say na ang PSN ay disente,” dagdag pa ni Fr. Nonie.
“It would reflect to us eventually kung ano ang dyaryong binabasa ng radio station kaya mahigpit kami sa mga broadcasters namin kung ano ang dapat na tangkiliking materyales sa kanilang news cast.
Nag-umpisang tangkilikin ng dwAL-FM ang PSN noong maglabas ng maiden issue ang pahayagan matapos ang Martial Law.
Nag-umpisa sa tatlong tabloid ang tinatangkilik ng istasyon mula pa noong operational ang kanilang AM station na dwAM, hanggang sa PSN na lang anila ang natira kasama ang Philippines Star at isang national broadsheet.
“During the Martial Law, we used to read newspapers that was virtually government controlled, the news were all rehashed, until the restoration of the freedom of the press when Edsa revolution erupted,” kwento ni Fr. Dolor.
“The newspapers from the Star group of company including the PSN not just only focus on sales but they set up values for the readers,” ani Fr. Dolor.
“Ang nagustuhan pa namin sa PSN ay ang kamada ng balita, straight lang, not sensasionalized at hindi opinionated,” paliwanag pa ni Ms Bicol.
“Sa mga columnist favorite ko ang K Ka Lang ni Korina Sanchez, SAPOL ni Jarius Bondoc at ang Aksyon Ngayon ni Al Pedroche,” pahayag ni Ms. Bicol.
“ For me, I’m more on English news from the Philippine Star pero I like also reading the entertainment and sports section ng PSN,” dagdag ni Fr. Dolor.
“I like Philippine Star because of its readability, compared to other broadsheet, Star uses eye friendly font and good lay out,” ani Fr. Nonie.
“I would like to congratulate the PSN, for being there and keeping up what your journalists maintain, to present fair and balanced news,” pagbati ni Fr. Dolor at Ms.Bicol.