P.2-milyong kargamento hinaydyak

BULACAN , Philippines   — Tinatayang aabot sa P.2 milyong halaga ng semento ang hinaydyak ng mga ‘di-pa kilalang lalaki kamakalawa ng madaling-araw sa bahagi ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Norzagaray, Bulacan. Lumilitaw na ipinarada ang trak na may plakang WAP 547 sa gilid ng highway para magpaayos ng gulong sa vulcanizing shop. Subalit ilang minuto matapos iwanan ng drayber na si Manuel Victoria at ang pahinanteng si Michael Santos, ang trak ay biglang naglaho. Boy Cruz

Show comments