BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Tuluyan nang isinara ang Magat Hydroelectric plant na nakabase sa pagitan ng Alfonso, Ifugao at Ramon Isabela dahil sa kakulangan ng tubig na magpapatakbo sa elektrisidad bunga ng pananalasa ng El Niño phenomenon.
Ayon kay Atty. Mike Ossilos, tagapagsalita ng SN-Aboitiz Power (Snap-Magat), ang pagpapatigil sa operasyon ng hydroelectric plant simula nitong Miyerkules ay dahil sa pagbaba ng tubig sa dam na umaabot na lamang sa 153.35 meters. Subalit nilinaw ng SN Aboitiz na pansamantala lamang ito at maari muli nila itong buksan anumang oras.Victor Martin