Negosyanteng Bombay nasagip sa kidnapper

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng Bombay ang nasagip mula sa kanyang mga kidnapper makaraang salakayin ng pulisya ang kuta ng mga suspek sa Barangay Con­cepcion, San Pablo City sa Laguna kamakalawa.

Kinilala ni Laguna Provincial Police Office Director Senior Superintendent Manolito Labador ang bik­tima na si Remmie Kumar Chonkria alyas Romie, 33 anyos, residente ng Ba­ran­gay Yukos, Nagcarlan, Laguna.

Sinabi ni Labador na na­kaposas pa si Chonkria nang masagip matapos lusubin ng mga elemento ng San Pablo City Police ang pinagtataguan rito ng mga kidnapper sa Azores Farm, Concepcion.

Gayunman, wala ni isa man sa apat na mga kid­nap­­per ang naaresto na ma­bilis na nakapuslit mata­pos na matunugan ang paparating na mga alagad ng batas at abandonahin ang naturang Bombay.

Ang biktima ay dinukot ng mga kidnapper ha­bang lulan ng kaniyang motor­siklo at naniningil sa pa­utang nitong 5-6 sa Ba­rangay Concepcion noong Marso 10.

Nabatid na P20 milyong ransom ang hinihingi ng mga kidnapper kapalit ng kalayaan ng biktima.

Nakuha sa lugar ang isang pitakang pag-aari ng isa sa mga suspek na si Haron Borbe ng Calauag, Quezon; isang unit ng cell phone model Nokia 3318 at iba pa.

Show comments