Pari binantaan ng politiko
MASBATE CITY, Masbate, Philippines — Pinaniniwalaang may bahid politika ang isa sa dahilan kaya nakatanggap ng pagbabanta sa buhay ang isang pari na tumatayong executive director ng Social Action Center makaraang makatanggap ng sobre na may bala ng Armalite rifle kamakalawa sa Masbate City, Masbate. Bandang alas-5 ng hapon nang iabot ang sobre na may bala kay Fr. Leo Casas ng Masbate City Cathedral. Napag-alamang inorganisa ni Fr. Casas ang Walk for Hope kaugnay sa mga karahasang nagaganap sa nabanggit na lungsod dahil sa nalalapit na May 10 elections. May teorya si Fr. Casas na pananakot ng ilang politiko ang nasa likod ng pagpapadala sa kanyang buhay. Maging ang Special Task Force Masbate ay patuloy ang imbestigasyon kaugnay sa banta sa buhay ng nasabing pari. Ed Casulla
- Latest
- Trending