MANILA, Philippines - Isang retiradong pulis na kumakandidato sa pagkakonsehal ang tinambangan at napatay ng mga ‘di-pa nakilalang kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Likukin sa bayan ng Buenavista, Quezon kahapon ng umaga. Pinaniniwalaang may bahid-politika ang pagkakapaslang kay (ret.) P/Inspector Pedro Cabangon kung saan aktibong nangangampanya nang lapitan ng armadong kalalakihan na lulan ng kulay berdeng sasakyan. Joy Cantos