Alalay ng kandidato itinumba

RIZAL, Philippines — Napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa isang 35-anyos na alalay ng congressional bet makaraang pagbabarilin ng dalawang magkaangkas sa motorsiklo kahapon ng umaga sa harap ng Binangonan Regional Trial Court sa Barangay Calumpang. Anim na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni David Tajan ng Luklukan Comp. Brgy. Tagpos na naisugod pa sa Manila East Medical Center. Nabatid na nakatayo ang biktima sa harap ng regional trial court na katabi lamang ng Binangonan Municipal Hall nang hintuan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen. Si Tajan ay driver bodyguard ni Atty. Jose Mendoza na kandidato sa pagka-congressman ng 1st distrito ng Rizal sa ilalim ng Lakas- Kampi CMD at dating general manager ng Laguna Lake Development Authority (LLDA). Danilo Garcia

Show comments