Trak hulog sa bangin: 9 dedo
KIDAPAWAN CITY, Philippines — Kamatayan ang sumalubong sa siyam-katao na sinasabing mamanhikan makaraang mahulog sa malalim na bangin ang dump truck saka sumalpok sa puno ng mahogany kahapon ng madaling-araw sa bahagi ng Barangay Bagong Tapay, sa bayan ng M’lang, North Cotabato.
Kabilang sa mga nasawi ay sina Erlinda Mondragon, Lilibeth Paulete, Emelita Victoriano, Roni Mondragon, Primitivo Mondragon, Siegfred Cananay, EJ Jalapon Tan, Juanito Tabor, Rebelina Victoriano, at isang ‘di-pa kilalang miyembro ng pamilya Mondragon.
Sugatan naman sina Leo Hanapan Cananay, 45; Rufino Abor Victoriano, 44; Belen Mondragon Pagulong, 47; Lorena Batoon Catayas, 21; EJ Tan, 26; Rolyn Mondra gon, 28; Ian Pama, 19; Romeo Mosquera, Jr., 25; Roi John Tabor, 20; Harold Mondragon ng Barangay Kibia, Matalam at ang misis na si Erlinda Pagulong Mondragon.
Ayon kay M’lang Mayor Joselito Pinol, ang mga biktima ay mula sa Barangay Kibia sa bayan ng Matalam, North Cotabato at patungo sana sa bayan ng Polomolok, South Cotabato para mamanhikan nang makasalubong si kamatayan sa national highway ng M’lang.
Nabatid na nagkaproblema sa makina nang sumapit sa baku-bakong kalsada sa Barangay Bagong Tapayl kaya nawalan ng preno ang truck at bumulusok sa bangin. Malu Manar
- Latest
- Trending