^

Probinsiya

Van vs bus: 7 katao todas

- Ni Jonie Capalaran -

BATAAN, Philippines — Pito katao ka­bilang na ang dalawang Koreano ang iniulat na namatay habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang van sa pampasaherong air­con bus sa kahabaan ng Roman Highway sa Ba­ran­gay Duale, sa bayan ng Li­may, Bataan kamaka­lawa ng gabi.

Kabilang sa mga nasawi na pawang kawani ng D 1 Dawn Patrol Manufacturing Corp. sa Bataan Economic Zone ay sina Warren Shin, SK Joe, kapwa Koreano at production manager; Daisy Hermoso, 29; Mary Rose Her­moso, 21, kapwa naka­tira sa Binukawan, Bagac; Eimee Balingit, Armie Dio­niso, mga residente sa Ba­rangay Maligay, Marive­les, at si Michelle Dulatre.

Samantala nasa kritikal na kalagayan sa St. Joseph Hospital si Marivel Margia, 21, ng Balon Anito, Marive­les habang sugatan naman si Jonathan Bagtas, 29, ng Barangay Townsit Limay.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, lumilitaw na ti­na­tahak ng van na may pla­kang ZMR-969 ang kaha­baan ng highway patungo sa Balanga City mula sa bayan ng Mariveles nang makasalubong ang Ge­nesis aircon bus (TVV 308) na minamaneho ni Leo­nardo Callejo, 42, ng Brgy. Balon Anito, Mariveles.

Napag-alamang nag-overtake ang van ni Shin sa motorsiklo ni Romeo Artuz nang makasalubong si ka­matayan. Maging ang mga ba­hay nina Edgardo Pado­lina at Cresencio Balderama na nasa gilid ng highway ay inararo ng sasakyan.

ARMIE DIO

BALANGA CITY

BALON ANITO

BARANGAY TOWNSIT LIMAY

BATAAN ECONOMIC ZONE

CRESENCIO BALDERAMA

DAISY HERMOSO

EDGARDO PADO

EIMEE BALINGIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with