Sakristan dinedo ng holdaper

MANILA, Philippines - Patay ang isang 14-anyos na sakristan makaraang pagba­barilin ng tatlong armadong holdaper dahil sa luma at sirang cell phone kamakalawa sa kahabaan ng Horshoe Hills, Brgy. Guadalupe, Cebu City, Cebu.

Namatay sa Vicente Sotto Memorial Medical Center si Carlo Mangitngit ng Sitio Sodina, at sakristan sa Parish of the Alliance of Two Hearts, at 2nd year sa Abellana National School. Napag-alamang inutusan ng kaniyang lola ang biktima kasama ang isang 8-anyos na lalaki na bumili ng gulay sa palengke kung saan bagaman sira, ang cell phone ay abala sa pagte-text sa daan gamit ang maliit na stick kaya nagmukhang  touch screen.

Dito na sumul­pot ang mga holdaper at ibinigay naman ng biktima ang kan­yang Nokia 3310 na cellphone ay agad itong tumakbo ngunit binaril ito ng mga holdaper matapos mabatid na luma at sira pa ang cell phone na inakalang bagong modelo. Joy Cantos

Show comments