^

Probinsiya

P200-milyong ari-arian naabo

-

KIDAPAWAN CITY  , Philippines — Pinaniniwalaang aabot sa P200 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang pinakamalaking shopping mall sa Kidapawan City, North Cotabato ka­hapon ng umaga.

Nadamay sa sunog ang Rizal Commercial Banking Corporation Kidapawan branch, LCE Trading, food court, mga stall sa loob ng shopping mall, at ang KMCC Grocery Center.

Ayon sa ulat, nagsimula ang apoy sa bodega ng KMCC Shopping Mall kung saan sumabog ang generator matapos mawalan ng kur­yente sa ikalawang palapag ng KMCC saka kumalat sa mga katabing gusali at tindahan.

Unang nakapagres­ponde sa sunog ang dala­wang fire truck ng Kidapa­wan City Fire Department su­balit dahil sa sobrang lakas ng apoy ay ’di-kinaya na apulahin ang apoy.  

Rumesponde rin sa fire scene ang walong water tanker na pag-aari ng Dole Stanfilco na nakabase sa bayan ng Makilala at ma­ging ang mga pamatay-sunog mula sa mga bayan ng Kaba­can, Matalam, Tulu­nan, Ma­kilala sa North Cotabato at bayan ng Bansalan sa Davao del Sur.

Anim sa mga bombero kabilang na ang limang fire volunteers, na sina Rom­mel Padilla, Jepoi, Patrick at isang may apelyidong Pelarios ang nasugatan at naisugod sa Kidapawan Doctors Hospital.

Bandang alas-2:30 ng hapon, ay kontrolado na ang sunog, bagama’t may ilang bahagi pa ng mall ang nag-aapoy. Malu Manar

CITY FIRE DEPARTMENT

DOLE STANFILCO

GROCERY CENTER

KIDAPAWAN CITY

KIDAPAWAN DOCTORS HOSPITAL

MALU MANAR

NORTH COTABATO

RIZAL COMMERCIAL BANKING CORPORATION KIDAPAWAN

SHOPPING MALL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with