MANILA, Philippines - Isang tinyente ng Philippine Army at anim sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang sa naganap na madugong sagupaan sa hangganan ng mga Barangay Caduhaan at Andres Bonifacio, sa Cadiz City, Negros Occidental kamakalawa.
Sa phone interview, kinilala ni Army’s 303rd Infantry Brigade Commander Col. Max Caro, ang nasa wing opisyal na si 1st Lt. Archie Polenzo ng Army’s 62nd Infantry Battalion.
Samantala, bineberipika ang mga pangalan ng anim na rebelde na narekober ang mga bangkay sa encounter site.
Nabatid na nagresponde ang tropa ng militar makaraang makasagap ng impormasyon kaugnay sa presensya ng mga rebeldeng sinasabing nangongotong sa mga residente ng Hacienda Margarita kung saan sumiklab ang madugong bakbakan
Narekober sa encounter site ang M16 rifle, AR 18 baby Armalite rifle, M14 rifle, ilang rounds ng bala ng M203 at mga personal na kagamitan.