^

Probinsiya

37 studes hulog mula sa trak

-

MANILA, Philippines - Aabot sa 37 estudyante ang iniulat na nasugatan ma­ karaang mahulog mula sa sinasakyang cargo truck sa Transcentral Highway sa Barangay Preinza sa bayan ng Balamban, Cebu kamakalawa ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang mga biktima ay kabilang sa 126 estud­yante ng Buanoy National High School na nagdaos ng rekoleksyon sa Don Bosco-Balamban Technological Center kasama ang dalawang adviser na sina Aurelia Alimpoos at Lincha Nebros.

Bandang alas-5 ng hapon habang bumabag­tas ang Isuzu Elf cargo truck (THE-941) na mina­maneho ni Rogelio Eliezer na lulan ang mga estud­yanteng nakatayo dahil sa kawalan ng upuan nang bu­migay ang railing sa kanang bahagi ng sa­sakyan.

Sa nasabing insidente ay nahulog ang 37 estud­yante kung saan tatlo sa mga biktima ang grabeng nagtamo ng pagkabali ng buto at mga sugat sa ka­tawan.

 Naisugod naman sa Balamban Provincial Hospital habang sina Jessaly Galo, Kristine Crausos at Ritshe Tupas ay inilipat ng ospital sa Cebu City dahil sa maselang kalagayan.

Ayon kay SPO3 Arvie Banate ng Balamban police, lumilitaw na nanghi­ram ng trak ang pamu­nuan ng nasabing esku­welahan sa may-ari ng trak na Metaphitto construction company para sa reko­leksyon.

Nagbigay naman ng financial support sa mga sugatang biktima ang may-ari ng trak kung saan sumuko naman sa pulisya ang drayber na nakatira sa Barangay Pulpogan, Con­so­lacion, Cebu. Joy Cantos

vuukle comment

ARVIE BANATE

AURELIA ALIMPOOS

BALAMBAN

BALAMBAN PROVINCIAL HOSPITAL

BARANGAY PREINZA

BARANGAY PULPOGAN

BUANOY NATIONAL HIGH SCHOOL

CEBU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with