4 tiklo sa 100 kilong 'damo'

MANILA, Philippines - Nagwakas ang modus operandi ng apat na sibil­yan na sinasabing may dalang 100 kilong pina­tuyong da­hon ng marijuana mata­pos ma­aresto ng pulisya sa inilatag na Co­melec checkpoint noong Biyernes sa kaha­baan ng highway sa bayan ng San Gabriel, La Union.

Ang apat na lulan ng van ay nakilalang sina Bony Santos, 34; Francis Mogati, 22, kapwa nakatira sa La Trinidad, Benguet;  Lindel Camilo, 23; at si Mo­litas Mariacos, 19; kap­wa nakatira sa  Barangay Lon-oy, San Gabriel, La Union.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alauna y medya ng madaling-araw nang maharang sa checkpoint ang kulay abuhing van ng mga suspek.

Napansin ng mga ta­uhan ni P/Senior Eduardo Sarmiento na nininerbyos ang mga suspek kaya minabuting inspeksyunin ang bawat sulok  ng compartment ng van na nag­resulta sa pagkakasam­sam ng mga marijuana bricks na nagkakahalaga ng P2.525 milyon. Joy Cantos

Show comments