Antigong fire truck sa SBMA
SUBIC BAY FREEPORT , Philippines – Kumpiyansa pa rin ang mga bantay-sunog sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa an tigong fire truck na patuloy na ginagamit hanggang sa kasalukuyan matapos manahin sa mga Amerikano noong base military pa ito.
Ayon kay SBMA fire chief Rannie Magno, ang 1956 Howe International HR-62 R 185 series fire truck na may code name 2-1 ay ginagamit pa rin sa pagresponde sa sunog sa Subic Bay kahit na 40-taong gulang na ito at subasabay sa mga modernong fire truck tulad ng 2004 model na International Harvester FRT 014 7-3.
“Noong 1992 ay na turn-over na ito ng US government sa SBMA at magpahanggang ngayon ay gamit pa rin ito. Nagpapakita lamang kung gaano namin pinapahalagahan ang mga kagamitan namin,” pahayag ni Magno.
Ang halos collector’s item na 2-1 fire truck ay may reservoir tank na 250 gallons at may pump-up power na 500 gallons per minute.
Kalimitang gamit ito ngayon sa mga forest fire dahil pumapasok ito sa mga makipot na kalsada ng kagubatan partikular na sa kasalukuyang pananalasa ng El Niño phenomenon sa bansa. Alex Galang
- Latest
- Trending