Pakistani tiklo sa P1-milyong droga

MANILA, Philippines - Isang Pakistani national ang inaresto at nakumpiskahan ng pulisya ng mga bawal na gamot sa isang entrapment operation sa Governor Park road sa Baguio City kahapon.

Nakilala ang suspek na   si Ghulam Sheikh, residente ng Brookspoint, Aurora Hills.

Nasamsam sa kanya ang ilang piraso ng valium, methergine, stilnox, cytotec at mga sleeping pills na aabot sa halos P1 milyon ang halaga.

Pinaniniwalaan namang ang nasabing dayuhan ang nagde-deliver ng mga natu­rang gamot sa mga lalawigan ng Benguet, La Union, Pangasinan, Abra at Cagayan. (Joy Cantos)

Show comments