LRT Line 1 sa Cavite pinamamadali ni GMA

TRECE MARTIRES CITY, Cavite, Philippines – Nagpahayag ng pasasalamat si Governor Ayong Maliksi sa utos ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo sa Department of Transportation and Communication (DOTC) na madaliin ang planong Light Rail Transit (LRT) Line 1 South Extension Project sa Cavite.

Ang naturang desisyon ay ikinatuwa ng mga Ka­bitenyo na nagsagawa ng rally noong Enero 20 upang ipahayag ang pagkadis­maya sa naunang pahayag mula sa DOTC na ibaba-sura ang proyekto ng LRT na ayon sa kanila ay na­ipangakong magagawa isang dekada na ngayon. 

Naniniwala si Governor Maliksi na ang utos ng Pa­ngulo ay walang bahid puli­tika kahit ito ay naisagawa ngayong nalalapit na ang eleksyon kundi bilang sagot sa sigaw ng mga mama­mayan na naghihintay sa proyekto. 

“Natutuwa ako at nag­karoon ng magandang bu­nga ang ating pagsisikap nang tawagin natin ang pansin ni Presidente Arroyo upang ipatupad na ang pro­yekto at ipaliwanag ng DOTC ang dahilan kung bakit na­ binbin ang LRT south exten­sion,” pahayag ni Maliksi.

Ang kautusan ni Arroyo na muling buhayin ang pagpapalawak ng proyek- to ay isinagawa matapos ang pagbisita sa progreso ng LRT north extension     project. 

Idudugtong ang proyek­to sa kasalukuyang linya mula Baclaran hang­gang Bacoor mag-uugnay sa mga lungsod ng Para­ña-que, Las Piñas, Mun­tinlupa at sa bayan ng Ba­coor, Cavite. Ang south extension ay inaasahang magda­dagdag ng 20,000 pasahero kada na kapa­sidad ng LRT. 

Show comments