ILOCOS SUR , Philippines — Kamatayan ang sumalubong sa magkaibigang mangingisda habang isa pa ang nasa malubhang kalagayan makaraang sumalpok ang motorsiklo sa kasalubong na pampasaherong bus sa pakurbadang kalsada sa Barangay Zone 4, sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur kamakalawa.
Idineklarang patay sa Vigan City Hospital sina Jeffrey Tabisula at Clifford Tabisula na kapwa nakatira sa Barangay Puro, sa bayan ng Magsingal habang kritikal naman si Raymund Talledo ng Barangay Puro.
Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng bus na si Charlie Tulay ng Badoc, Ilocos Norte. Myds Supnad