1 dedo, 4 grabe sa road mishap

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Sumanib si kamatayan sa isang babaeng guro habang apat iba pa ang nasa kritikal na kalagayan matapos bumaliktad ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa Puerto Princesa City, Palawan kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Efren Miranda, hepe ng Puerto Princesa PNP ang nasawi na si Cristy Nonog Ramos ng San Jose, Occidental Mindoro. Nasa malubhang kalagayan at ginagamot sa Palawan Adventist Hospital sina Marlon Ibon, Rommel Sura, Ruby Odesa at si Jerzon Jerzola. Sakay ng pam­pa­saherong jeepney (DWM-178) ang mga biktima para ma­­masyal sana sa underground river nang mawalan ng control at bumaliktad ng 3-beses ang kanilang sasakyan pagsapit sa Barangay Tagbinet. Napag-alaman na ang mga biktima ay miyembro ng delegasyon ng Occidental Mindoro na dumalo sa katatapos na Regional Athletic Association meet noong February 21 hanggang February 26 sa Puerto Princesa City. Arnell Ozaeta

Show comments