^

Probinsiya

12 utas sa atake ng ASG/MILF

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Aabot sa 12-sibilyan ang iniulat na nasawi ha­bang 10 iba pa ang nasu­gatan makaraang salaka­yin ng pinagsanib na pu­wersa ng mga bandidong Abu Sayyaf Group at Moro Islamic Liberation Front rouge elements ang maliit na komunidad sa Barangay Tubigan Proper, sa bayan ng Maluso, Basilan kaha­pon ng umaga.

Kabilang sa mga na­paslang ay sina Istilito Ba­cus, Benji Laping, Timhaar Arakani, Rodel alyas Uding Pagdalian, John Laping, Salima Salipuddin, Lorna Sahidda Salisa, Tawasil Idjiran, 50; Abigail Bucoy, 32; Arjie Bucoy, 9; Karen Bucoy, 1; at ang isang miyembro ng Cafgu na bineberipika pa ang pag­kikilanlan.

Si Abigail Bucoy at anak na si Karen ay kapwa na­sunog ang katawan at ma­ging si Salima Salipuddin matapos sunugin ang kani-kanilang bahay ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Sugatan naman sina Kimberly Bucoy, 13; Talib Ibba, Sandy Taroza, Nonoy de la Cruz, Usman Assam, Joel Josefino, Maymuna Josefino, Jonathan Jose­fino, Jeron Josefino at si Ale­x­ander Bartolome.

Ayon kay Chief Lt. Gen. Ben Mohammad Dolorfino, ang paghahasik ng lagim ng mga bandido na pina­mu­munuan nina Abu Say­yaf kumander Furuji In­dama, Usman Alao, isang alyas Iradi at Dick Alao ay naganap may 9-oras mata­pos palayain ang bihag na dalawang Tsino na sina Michael Tan at Oscar Lu sa bayan ng Su­misip, Basilan.

Napag-alamang unang sinalakay nina Commander Indama at Dick Alao ang grupo nina Cafgu Active Auxiliary (CAA) Comman­der Laping, alyas Leleng sa­ka sinunog ang mga ba­hay nina Sandy Taroza, Ra­mon Castillo, Ariel La­ping at Sahayag Janang.

Lumilitaw sa imbes­tigasyon na si Dick Alao ay dating miyembro ng CAA’s na pinamumunuan ni Le­leng pero itiniwalag dahil sa pakikipagsabwatan sa mga bandido sa Basilan.

Sinasabing ang anak ni Alao ay napaslang sa eng­kuwentro ng grupo ni Le­leng noong Enero kaya ru­mesbak ang una kasama ang mga kasabwat na Abu Sayyaf at MILF rouge elements.

Kaugnay nito, bumuo na ng Task Force Tubigan upang siyasatin ang na­ganap na insidenbte kung saan ipinakalat na ang Army’s 32nd Infantry Battalion at 15th Division Re­coinnassance Company katuwang ang puwersa ng pulis-Basilan.

ABIGAIL BUCOY

ABU SAY

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ARIEL LA

BASILAN

DICK ALAO

SALIMA SALIPUDDIN

SANDY TAROZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with