RHB member timbog

ORANI, Bataan, Philippines — Isang hini­hinalang miyembro ng Rebolusyunaryong Hukbo ng Bayan na matagal nang wanted sa batas ang nadakip ng pulisya at militar sa loob ng klinika ng isang kumakan­didatong mayor sa Barangay Centro II, Orani, Bataan ka­ma­kalawa ng gabi.   Kinilala ni Provincial Police Director P/Sr. Supt. Arnold Gunnacao ang suspek na si Fernando Ro­que alyas “Ka Sunog”, “Ka Ogie”, at “Ka Nady” may hus­tong gulang, umano’y political coordinator ni Dr. Marlo Zu­niga tumatakbong mayor sa Orani sa ilalim ng Aksyong Demokratiko Party. Jonie Capalaran

Show comments