MANILA, Philippines - Kinarit ni kamatayan ang isang 52-anyos na Korean pastor makaraang ma-suffocate sa sunog sa isang plantasyon ng mangga sa Sitio Lepanto, Barangay Capulaan, Villasis, Pangasinan ayon sa ulat kahapon.
Ang biktima ay kinilalang si Peter Chang, Koreanong pastor ng Christian Baptist Church. Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang biktima ay natagpuang nakahandusay sa isang masukal na bahagi ng malawak na plantasyon ng mangga sa Sitio Lepanto may dalawang araw na ang nakalilipas dakong alas-11:30 ng gabi. Joy Cantos