2 minero todas sa 'brownout'

MANILA, Philippines - Dahil sa brownout, dala­wang magkapatid na minero ang nasawi habang dalawa pa ang nawawala matapos ma-suffocate sa loob ng isang tunnel nang minahan ng ginto sa T’boli, South Cotabato ka­makalawa ng gabi.

Ang mga biktimang sina Toto at Gary Olin ay natagpu­ang walang buhay sa gold mining tunnel sa Sitio Tunnel sa Barangay Kematu sa bayan ng T’boli.

Patuloy namang hinaha­nap ang dalawa pa nilang mga nawawalang kapatid na sina Boy at Adel Olin. Bigla umanong nagkaroon ng power failure sa lugar dahilan upang mawalan ng supply ng oxygen ang mga biktima habang nasa loob ng tunnel.

Sinasabing sanhi ng insi­dente ay kinapos ang mga ito ng paghinga na siyang naging dahilan ng kanilang kama­tayan. Joy Cantos

Show comments