Bus hulog sa dike: 42 sugatan

MANILA, Philippines - Umaabot sa 42-katao ang iniulat na nasugatan makaraang mahulog sa dike ang pampasaherong bus sa Tagum City, Davao del Norte kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bumabagtas ang Metro Shuttle Bus (LWK 155) sa kahabaan ng Davao-Agusan highway sa Barangay Canocotan nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver. Nabatid na iniwasan ng driver ng bus na si Magno Galleros, ang isa pang bus at sa sobrang bilis ay hindi na ito nakontrol. Joy Cantos

Show comments