Misis nag-suicide sa dyipni

MANILA, Philippines - Matinding selos ang pu­matay sa isang misis na na­kipagtalo sa kanyang mister na sinasabing ba­baero ma­karaan itong tu­malon mula sa pampasa­herong jeepney kamaka­lawa sa kahabaan ng highway ng Victoria Heights sa Bacolod City, Negros Occidental.

Si Josephine Vistanio ng La Castellana, Negros Oc­cidental ay huling nama­taang buhay na nakikipag­talo sa kanyang mister sa loob ng jeepney bago na­ganap ang in­sidente.

Sa salaysay ng drayber ng jeepney na si Almario Andrada na narinig niyang nagtatalo ang mag-asawa kung saan ay nagkasi­gawan pa.

Nagulat na lamang ang driver ng may kumalabog at nang kaniyang lingunin ay nakita ang katawan ng babae na tumalon mula sa kaniyang sasakyan.

Isinugod pa sa ospital ang babae subalit idinek­larang patay. Joy Cantos

Show comments