Misis nag-suicide sa dyipni
MANILA, Philippines - Matinding selos ang pumatay sa isang misis na nakipagtalo sa kanyang mister na sinasabing babaero makaraan itong tumalon mula sa pampasaherong jeepney kamakalawa sa kahabaan ng highway ng Victoria Heights sa Bacolod City, Negros Occidental.
Si Josephine Vistanio ng La Castellana, Negros Occidental ay huling namataang buhay na nakikipagtalo sa kanyang mister sa loob ng jeepney bago naganap ang insidente.
Sa salaysay ng drayber ng jeepney na si Almario Andrada na narinig niyang nagtatalo ang mag-asawa kung saan ay nagkasigawan pa.
Nagulat na lamang ang driver ng may kumalabog at nang kaniyang lingunin ay nakita ang katawan ng babae na tumalon mula sa kaniyang sasakyan.
Isinugod pa sa ospital ang babae subalit idineklarang patay. Joy Cantos
- Latest
- Trending