^

Probinsiya

Killer ng hepe ng pulis dinedo

-

BATANGAS CITY, Philippines — Na­paslang ang sinasabing suspek sa pagpatay sa he­pe ng pulisya ng Batangas makaraang makipagba­rilan sa mga alagad ng batas sa ba­yan ng Malvar, Batangas kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang napatay na miyembro ng Hidalgo Group na si Nonilon Linga, 37, ng Barangay Bulihan, Malvar, Batangas.

Ayon kay P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police director maghahain sana ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Arcadio Ma­nigbas ng Tanauan City Regional Trial Court Branch 6 laban kay Linga nang maki­pag­barilan ito sa mga aw­toridad.

Nahaharap din si Linga sa isa pang kaso ng murder at robbery with homicide sa Tanauan City bu­kod pa sa pag­patay sa hepe ng pulisya na si P/Senior Insp. Ramon­chito Pecho De Chavez noong Hunyo 10, 2009.

Mariin namang pinabu­laanan ng mga kaanak na lumaban si Linga sa pulis­ya dahil nasa ilalim na ito ng kama at walang baril nang siya ay pagba­barilin.

Subalit iginiit naman ng pulisya na nakarekober sila ng Llama cal. 45 pistol mula sa suspek na ginamit sa shoo­t­out. Arnell Ozaeta

ALBERTO SUPAPO

ARNELL OZAETA

BARANGAY BULIHAN

BATANGAS

HIDALGO GROUP

JUDGE ARCADIO MA

MALVAR

NONILON LINGA

PECHO DE CHAVEZ

SENIOR INSP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with