6-anyos kinatay ng adik

MANILA, Philippines - Animo’y kinatay na baboy ang katawan ng batang babae makaraang pagtata­gain ng adik sa bawal na dro­ga ka­ma­kalawa sa Isla Suer­te sa Times Beach sa Davao City, Davao. Halos magka­hiwa-hi­wa ang katawan at nasawi si Jermain Mandag­way 6, ha­bang naaresto na­man ng pu­lisya ang notoryus na adik na si Jason “Ton-ton” Policarpio na sina­sabing umamin sa kri­men. Napag-alamang iniwan ng inang si Marcosa ang biktima kasa­ma ang dalawa pang anak na natutulog sa kanilang ba­hay. Ayon sa ulat, nagising ang nakatatandang kapatid na si Genalyn at lu­mabas ng bahay upang ha­na­pin ang isa pang kapatid. Su­balit pagbalik ni Genalyn sa kanilang tahanan, ay du­guang nakabulagta na ang biktima. Ilang testigo ang nag­turo kay Policarpio na pumasok sa bahay ng bik­tima kaya ina­resto ito ng pu­lisya. Joy Cantos

Show comments