Mag-asawa, 2 anak dedo sa sunog
MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa mag-asawa at dalawa nitong anak makaraang makulong sa nasusunog na tatlong palapag na commercial building kahapon ng madaling-araw sa Cotabato City.
Kabilang sa mga nasawi ay ang mag-asawang Johnson Wee, 41; at Heidi, 34; mga anak na sina John Lorenzo, 6; at Kim Patricia, 8; na pawang nakatira sa Wewee Commercial Building sa Sinsuat Avenue, Brgy. Poblacion 5.
Nasagip naman ng mga tauhan ng pamatay-sunog sa pamumuno ni Fire Marshal Chief Inspector Adam Ali Guiamad sina Remedios Wee at Lerna Intar, 60, na ngayon ay nasa Maternity Hospital.
Na-suffocate naman sina SFO3 Tinti Abdullah, SFO2 Jose Jimmyu Kinazon, FO3 Sherwin Agustin, FO3 Dante Kasan, FO3 Dante Kasan, FO1 Anwar Kasan, at si FO1 Hexter Jan Cadavero.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na nagsimula ang apoy sa unang palapag ng gusali kung saan matatagpuan ang Wee’s Airline Ticketing Office and Business Center.
Nabatid na naka-padlock ang bakal na bakod ng gusali kaya napilitang wasakin upang iligtas ang ilan sa mga na-trap na biktima.
Nagawa pang maisugod sa ospital ang ilan sa mga biktima pero idineklarang patay habang patuloy naman inoobserbahan sina Remedios at Lerna.
Naapula ang sunog bandang alas-5:20 ng umaga na nagsimula bandang alas-4:12 ng madaling-araw kung saan pinaniniwalaang kandila o di kaya ay nag-overheat na emergency light ang pinagmulan ng sunog.
- Latest
- Trending