MANILA, Philippines - Niyanig ng magkakasunod na pagsabog ang bahay ng mayor, utol nito at isang kamag-anak makaraang hagisan ng bomba ng mga di-pa kilalang grupo kahapon ng madaling araw sa bayan ng Burgos, Isabela.
Ayon kay regional police director Chief Supt. Roberto Damian, dakong alas -2:45 ng madaling-araw nang umalingawngaw ang serye ng pagsabog sa compound ni Burgos Mayor Ruben Tegui sa Barangay Caliguian.
Bukod sa bahay ni Mayor Tegui ay pinasabugan din ang bahay ng kanyang kapatid na si Arnold Tegui at kamag anak na si Alfredo Camia.
Napag-alaman na dalawang improvised explosive device (IED) ang ginamit sa pagpapasabog habang nakarekober ng isa pang bomba na inilagay sa lata ng sardinas ay hindi sumabog sa harapan ng compound ni Mayor Tequi. Wala naman nasugatan sa pagsabog, subalit nagdulot naman ito ng pinsala sa mga bahay at pangamba sa panig ng pamilya at kamag-anak ng nabanggit na alkalde.Joy Cantos