^

Probinsiya

2 ASG kidnaper tiklo

-

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga awtoridad ang dalawang bandi­dong Abu Sayyaf na pinaniniwalaang responsable sa pag­dukot sa retiradong Army officer sa isinagawang operasyon sa Zamboanga Sibugay, ayon sa ulat kahapon.

Sumasailalim sa tactical interrogation sina Ansar Yusop at Abraham Ibno na kapwa tauhan ni Kumander Ganih Marcial.

Ayon kay P/Chief Supt. Angel Sunglao, bandang alas-3 ng hapon noong Linggo nang masakote ang dalawa na sinasabing dumukot kay ret. 2nd Lt. Benjamin Almonte noong Pebrero 6 habang nangingisda ito sa karagatan ng Brgy. Manicahan sa Zamboanga City.

Gayon pa man, nailigtas ng mga awtoridad si Almonte sa hangganan ng R.T. Lim at Tungawan sa Zamboanga Sibugay dakong alas -9 ng gabi noong Biyernes. Joy Cantos

ABRAHAM IBNO

ABU SAYYAF

ALMONTE

ANGEL SUNGLAO

ANSAR YUSOP

BENJAMIN ALMONTE

CHIEF SUPT

JOY CANTOS

KUMANDER GANIH MARCIAL

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with