Plantasyon sinunog ng NPA

MANILA, Philippines - Sinunog ang malawak na plantasyon ng tubo saka hinostage ang mga trabahador sa patuloy na paghahasik ng lagim ng mga rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Kitaotao, Bukidnon, kamakalawa. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sinalakay ng mga rebelde ang nabanggit na plantasyon sa Purok 1, Brgy. Poblacion kung saan hinostage ang mga trabahador na nagkakarga ng mga inaning tubo sa Fuzo truck. Hindi pa nakuntento ay sinunog rin ang truck at ang tatlong hektaryang plantasyon ng tubo. Pinakawalan din ang mga hinostage na trabahador saka mabilis na nagsitakas kung saan pinaniniwalaan pangingikil ng revolutionary tax sa may-ari ng farm ang motibo ng panununog. Joy Cantos

Show comments