Misis pinugutan ng lover

MANILA, Philippines - Animo’y biktima ng mga bandidong Abu Sayyaf ang isang 28-anyos na misis makaraang pugutan ng kanyang lover na um­ba­gero dahil sa ma­tin­ding selos, kama­kalawa ng gabi sa bayan ng Dingalan, Aurora. 

Sa phone interview, kini­lala ni PO2 Rolando Or­lasan ang misis na si Annie de los Santos habang na­ha­harap naman sa kasong murder ang suspek na si Lorenzo Flores, 44.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng pulisya, na­ga­nap ang krimen sa electronic shop sa Ba­rangay Ibona, Dingalan ban­dang alas-11 ng gabi.

Ayon kay Orlasan, bigla na lamang sumugod sa electronic shop ang suspek na may bitbit na bagong hasang itak.

Narinig pa ng mga ka­pit­bahay ang pag-aaway ng da­lawa na pina­­nini­wa­laang may kina­­la­man sa love triangle.

Kasunod nito, ay tinag­pas ng suspek ang leeg ng biktima bunsod upang mapugot ang ulo nito na duguang tumalsik at gumu­long pa sa semento ng electronic shop.

Ilang oras matapos ang krimen ay sumuko naman sa mga opisyal ng ba­ran­gay ang sus­pek dala ang jungle bolo na gi­na­mit sa kri­men kung saan dinala naman sa kustodya ng pulisya.

Show comments