PMA 2010 valedictorian, anak-maralita
MANILA, Philippines - Anak ng traysikel driver at tubong Dumaguete City ang top 1 sa graduating class ng Philippine Military Academy (PMA) na gagawaran ng medalya at iba pang parangal sa Marso 1.
Ito ang nabatid kahapon kay PMA Supt Rear Admiral Leonardo Calderon matapos na itanghal na Class Valedictorian si First Class Cadet Erano Bontilao Belen. Si Belen ay tatanggap ng Presidential Saber sa kabuuang 227 miyembro ng Mandirigmang Sibol ng Dakilang Lahing Kayumanggi ( Masidlak ) PMA Class 2010 mula kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magsisilbing guest of honor at speaker sa okasyon.
Nagmula sa mahirap na pamilya si Belen pero hindi ito naging hadlang para abutin ang kaniyang pangarap na magtapos sa PMA at ialay ang diploma sa kaniyang minamahal na mga magulang. Bago pumasok sa PMA, may apat na taon na ang nakakaraan ay nagsilbing errand boy sa law firm sa Dumaguete City si Belen na kumuha rin ng units sa electronics, communications engineering at evangelical ministry.
Kabilang pa sa mga top graduates sa 2010 ay sina First Class Cadets Froilan Jick B. Binay-an, 2nd; Nolito O. Ebal, 3rd; Johnson R. Gonzales, 4th; Jaqcob Jorge A. Kho, 5th; Joel S. Perante, 6th; Erwin R. Villanueva, 7th; Alfie P). Agarao, 8th Karen N. Padayao, 9th at Ric Ivan C. Joven, 10th. Joy Cantos
- Latest
- Trending