^

Probinsiya

Mayoralty bet pinapa-disqualify ng brodkaster

-

BATANGAS, Philippines - Posibelng mabulilyaso ang isang mayoralty bet sa Batangas City matapos maghain ng disqualification case sa Commission On Elections (Comelec) ang isang broadcaster dahil sa residency requirement.

Ayon sa brodkaster ng radio station 95.1 Kiss-FM na si Rommel Arguelles, lumabag si Emilio Francisco Acosta Berberabe Jr. sa regulasyon ng local government code bilang kandidato sa Mayo 10 national elections.

Sa petisyon ni Arguelles, iginiit nito na si Berberabe ay residente ng #1712 Valley Drive, Las Vegas, Nevada, USA at green card holder batay na rin sa mga dokumento na nakalap mula sa immigration office.

Pinabulaanan din ni Arguelles ang nakatala sa certificate of candidacy ni Berberabe na isinumite sa Comelec na may 44-taon at 6 na buwan na siyang naninirahan sa bansa dahil kadalasan naman daw ay nasa Amerika ang doctor.

 “It is my civic duty, dapat umiral at sundin ang batas, everybody should comply with the law,” ani Arguelles nang tanungin siya kung ano ang naging motibo niya sa paghahain ng reklamo sa Comelec.

Ayon naman sa abogado ni Berberabe na si Atty. Ronald Ilas na inaasahan na nila ang ganitong desperadong aksyon mula sa kanilang mga kalaban.

 “Sa election law may tinatawag din tayong residence of origin, mawala ka man don ay may intention ka pa ring bumalik, for Dr. Berberabe he continue to practice his profession here, he still has his clinic here and his parents still lives here, kaya may intention pa rin siyang bumalik dito,” paliwanag ni Atty. Ilas.

Si Berberabe ng Li­beral Party ay makakalaban ni Velma Dimacuha, na asawa ni Batangas City Mayor Eddie Dimacuha ng Lakas-Kampi CMD. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ARGUELLES

ARNELL OZAETA

AYON

BATANGAS CITY MAYOR EDDIE DIMACUHA

BERBERABE

COMELEC

COMMISSION ON ELECTIONS

DR. BERBERABE

EMILIO FRANCISCO ACOSTA BERBERABE JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with