Dinukot na ex-Army laya na
MANILA, Philippines - Matapos ang halos dalawang linggong pagkakabihag, pinalaya na ang retiradong sundalo ng Phil. Army sa Zamboanga Sibugay noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang pinalayang biktima na si ret. Army Sgt. Benjamin Almonte, 55, na inabandona ng mga kidnaper sa hangganan ng bayan ng RT Lim at Tungawan.
Dehydrated na ang biktima nang matagpuan bunga na rin ng matinding gutom at hirap na tinitiis nito sa kamay ng mga kidnaper. Sa tala, ang biktima ay dinukot noong Pebrero 6 habang nangingisda sa karagatan ng Manicahan sa Zamboanga City. Nilinaw naman ng mga opisyal na walang kapalit na ransom ang pagpapalaya sa bihag. Joy Cantos
- Latest
- Trending