Rebelde napatay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi city, Philippines — Isang miyembro ng New People’s Army ang napatay sa enkuwentro kahapon ng umaga sa Barangay Maysurang, Caramoran, Catan­duanes. Dakong alas-9:30 ng umaga nang maganap ang engkuwentro ng mga miyembro ng Phil. Army at mga rebelde. Ayon sa impormasyon, nagsumbong ang ilang mga residente ng naturang barangay dahil sa puwersahang pangongolekta ng buwis sa kanila. Kaagad naman nagsagawa ng operasyon ang mga sundalo at nakasagupa ang mga rebelde hanggang sa maiwan ang isang bangkay at nagsitakas ang mga ito na narekober sa lugar. Ed Casulla

Show comments