2 patay sa gitgitan ng sasakyan

RODRIGUEZ, Rizal, Philippines — Isang jeepney driver at isa ni­tong konduktor ang namatay nang pagbabarilin sila ng da­lawang nakamotorsiklong la­laki na nakaalitan nila sa tra­pi­ko sa Barangay San Jose ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi na naisugod sa pa­ga­mutan ang mga biktimang sina Jesus Diena, 48, binata, ng Block 19, Lot 43, NTA, Rod­riguez; at konduktor na si Gla­dy Prendy Arsenio, 27, binata. Nagtamo ang mga ito ng iba’t ibang tama ng bala sa ka­tawan.

Isinugod naman sa pina­ka­malapit na pagamutan ang pasaherong si Melita Gon­zales, 54, makaraang ta­maan ng ligaw na bala sa paa.

Sa ulat ng Rodriguez police, naganap ang krimen da­kong alas-8:00 ng gabi sa may Amit­y Ville, Barangay San Jose.

Nauna rito, nagtalo ang mag­kabilang panig nang magkasagian ang jeepney ng mga biktima at ang motorsiklo ng mga suspek.

Nagbunot ng baril ang mga suspek at sunud-sunod na pinaputukan ang dala­wang biktima bago tumakas lulan ng kanilang motorsiklo sa hindi mabatid na direk­syon. Danilo Garcia

Show comments