^

Probinsiya

Baby ginilitan ng ina

- Nina Joy Cantos at Ed Casulla -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang sina­pian ng masamang espiritu ang isang ina na lumaslas sa leeg ng kanyang anak na sanggol na lalaki sa San Jose, Camarines Sur ka­makalawa.

Inaresto at ikinulong ng mga nagrespondeng ele­mento ng pulisya ang sus­pek na si Melba Banawan, 32-anyos, ng Barangay Dan­log, San Jose.

Sinasabi ng mga kapit­bahay na, bandang alas-4:00 ng hapon kamaka­lawa, nagkulong sa loob ng kanyang bahay si Ba­nawan.     

Nagbanta pa umano ang ginang na papatayin ang kanyang 10 buwang gulang na sanggol kapag nagpumilit pumasok sa kanilang bahay ang ka­niyang mga kasambahay kabilang ang ama nito.

Ilang saglit pa ay bigla na lamang umanong hu­ma­lakhak nang malakas ang ginang na may hawak na 24 pulgadang itak na ginamit nito sa paglaslas sa leeg ng sanggol.

Makalipas ang ilang minuto, nakita ng kapatid ni Melba ang sanggol na wala nang buhay na umaagos pa ang dugo sa nilaslas na leeg habang nakatulala naman ang ginang.

Pinaniniwalaan ring ma­­tinding depresyon ang nagtulak sa ginang na pa­tayin ang sarili nitong anak.

Sinasabi sa ibang ulat na pinapatulog ni Melba ang sanggol pero patuloy ito sa pag-iyak kaya nairita ang suspek at sinaksak ang biktima.

Matapos ang ginawang krimen kaagad naman na ini­wanan ng ina ang kan­yang anak sa loob ng ka­nilang bahay at siya na­mang pagdating ng ama nito at naabutan ang kala­gayan ng anak at mabilis na isinugod sa pagamutan at dineklrang dead-on-arrival ng mga doktor.

Ayon naman sa paha­yag ng mister na ang kan­yang misis ay matagal na niyang napapansin ang kakaibang ikinikilos nito na hindi niya binigyan na ka­halagahan.

Sa kasalukuyan, si Mel­ba ay inihatid na ng mga awtoridad sa Mental Hospital upang ipasuri ito.

AYON

BARANGAY DAN

CAMARINES SUR

ILANG

INARESTO

MELBA BANAWAN

MENTAL HOSPITAL

SAN JOSE

SHY

SINASABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with