Mag-asawa tiklo sa droga

BULACAN, Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng mag-asa­wang tulak ng bawal na droga makaraang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation kahapon sa Barangay Sto. Cristo, San Jose Del Monte City, Bu­lacan kahapon. Kinilala ni P/Supt. Edwin Quilates ang dalawa na sina Jayjay Robes, 23, traysikel drayber at Rodelyn Largo 28, kapwa residente ng Palmera Homes Royal, sa Brgy.Sto Cristo. Nasamsam sa magka-live-in ang pitong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P15,000 at ang marked money P500 na ginamit ng poseur buyer. Sa tala ng pulisya, si Rodelyn ay naaresto na noong Enero 31, 2000 sa kasong pagtutulak ng bawal na droga at nakalaya lamang noong Nobyembre 24, 2005 at ngayon ay 2-buwang buntis. Boy Cruz

Show comments