^

Probinsiya

Permit ng barge, peke - Marina

-

BATANGAS, Philippines — Nadis­kubre ng mga opisyal ng Maritime Industry Administration (MARINA) na ang mga papeles sa pagsasa­ayos ng barge sa bayan ng Bauan, Batangas na ku­mitil ng tatlong traba­hador noong Martes ng gabi ay pawang mga peke.

Ayon kay Arnie San­tiago, enforcement officer ng Marina, mananagot ang contractor ng barko sa pagkamatay ng 3 traba­hador dahil walang per­miso mula sa Marina.

Ipinaliwanag ni Santia­go na obligadong magsu­mite ng kaukulang papeles sa Philippine Coast Guard ang sinumang magpapa­sok ng barko sa bansa para ipaayos bilang requirement. Napag-alamang na­ka­pa­nga­lan ang barko sa isang Gerry Topangil ng Barangay Cembo, Makati City.

Sa panayam naman kay Lt. Col. Troy Cornelio, ng Batangas Coast Guard, magpa-file sila ng Marine protest laban sa may-ari ng barko para pagpaliwanagin at papanagutin sa naganap na trahedya.

Base sa ulat, namatay sina Jhunel Almogera, 40; Charmeil Allego, 23; at isang alyas Waray, 45 habang nagtatrabaho sa loob ng barge na naka­himpil sa Frabelle Compound sa Barangay Sta. Maria, Bauan, Batangas habang ginagamot naman sa Bauan Doctor’s Hospital sina Gilberto Liverca, 29; Jayson Rodolfo, 28; at si Roger Dela Peña, 60. Arnell Ozaeta

ARNELL OZAETA

ARNIE SAN

BARANGAY CEMBO

BARANGAY STA

BATANGAS

BATANGAS COAST GUARD

BAUAN

BAUAN DOCTOR

CHARMEIL ALLEGO

FRABELLE COMPOUND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with