^

Probinsiya

2 mayoralty bet itinumba

- Nina Joy Cantos at Toks Lopez -

MANILA, Philippines - Dinisqualify na ni ka­matayan ang dalawang mayoralty bet sa nalalapit na May 10 national elections makaraang pagbaba­ri­lin ng mga ‘di-pa kilalang kalala­kihan sa magkahi­walay na karahasan sa Iloilo at Cotabato.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na kalalabas lamang ng Jaro Cathedral sa Iloilo City si Luis Mondia Jr. kasama ang kanyang asa­wa’t apo at pasakay na ng kanyang kotse sa gilid ng sim­bahan na may layong 150 metro mula sa him­pilan ng pu­lisya nang la­pitan at rat­ra­tin ng mas­karadong lalaki.

Naisugod pa si Mondia sa Iloilo Mission Hospital pero idineklarang patay bandang alas-11 ng gabi dahil sa mga tama ng bala sa kaliwang balikat, batok at iba pang bahagi ng katawan.

Naniniwala ang pulisya na professional gunman dahil hindi napansin ng mga tao ang pamamaslang kay Mondia.

Nabatid na si Mondia, 56, ay nagsilbing alkalde sa bayan ng Pulupandan ng tatlong termino bago tu­mak­bong bise alkalde ka­sama ang kanyang utol na mayoral bet na si Samson Mondia noong 2007 election subalit natalo kay Magdaleno Peña.

Si Mondia ay kandida­to sa mayoralty race sa na­lalapit na May 10 national elections kasama ang kan­yang utol na si, Gina Mon­dia-Villanueva, bilang vice mayoraltty bet.

Gayon pa man, itinanggi ni Mayor Peña na may kinalaman siya sa insiden­te matapos ang interview sa isang television network.

Kaagad namang iniutos ni P/Chief Supt. Isagani Cuevas ang pagbuo ng Task Force Mondia upang imbestigahan ang insi­dente.

Samantala, napaslang na­man ang mayoralty bet na si Datu Errol Sinsuat, 38, ng Lakas-Kampi-CMD na kaalyado ng maimplu­wensyang angkan ng mga Ampatuan matapos na ratratin habang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Don Rabago Avenue sa Cotabato City noong Miyer­kules ng gabi.

Si Sinsuat ay chairman sa Barangay Pinansarana sa Datu Blah, Maguin­da­nao at nagsilbing tauhan ng mga Ampatuan sa ma­ha­bang panahon.

vuukle comment

AMPATUAN

BARANGAY PINANSARANA

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

COTABATO CITY

DATU BLAH

DATU ERROL SINSUAT

MONDIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with