^

Probinsiya

Bawal magsuot ng t-shirt na may 'stop media killing'

-

LEGAZPI CITY, Philippines— Pi­na­nini­walaang ipagbabawal na ang magsusuot ng t-shirt na may markang “stop media killing” makaraang sitahin ng ilang sundalo ng 22nd Infantry Battalion ng Phil. Army ang isang brod­kaster na may suot ng nasabing t-shirt na dumaan sa inilatag ng Co­melec checkpoint sa Barangay Kimantong sa bayan ng Daraga, Albay.

Napag-alamang lulan ng motorsiklo ang isang brod­kaster na nagpatago sa pangalang Joel nang ha­rangin at sitahin ng ilang nagbabantay sa checkpoint noong Sabado ng hapon dahil sa pagsusuot ng na­sabing t-shirt.

Sinabi ng ilang sundalo sa brodkaster na bawal ang magsuot ng nasabing t-shirt dahil mga rebeldeng New People’s Army la­mang ang nagsusuot nito.

“Boss alam mo ba na ang nagsosuot ng t-shirt na may markang stop media killing ay NPA,” paha­yag ng isang sundalo ng 22nd Infanfry Battalion ng Phil. Army

Sa pahayag naman ng ilang mamamahayag sa Ka­bikulan na ang mga sun­dalo ay hindi tinutu­ ruan ng magandang asal ng kani­lang nakakataas na opis­yal.

Umangal naman ang mediamen sa naganap na insidente kung saan halos lahat ng mga mamama­hayag sa Legazpi City ay may t-shirt na “stop media killing”, bilang pagsuporta sa Maguindanao massacre.

Samantala, tinangkang kapanayamin ang taga-pagsalita ng 9th Infantry Division na si Major Harol Ca­bunoc kaugnay sa na­banggit na isyu subalit wala ito sa kanyang tanggapan. Ed Casulla

ALBAY

BARANGAY KIMANTONG

ED CASULLA

INFANFRY BATTALION

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

LEGAZPI CITY

MAJOR HAROL CA

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with