^

Probinsiya

Jail break: PNP Colonel sa Maguindanao massacre pumuga

-

MANILA, Philippines - Nakatakas kahapon ng uma­ga sa detention cell sa Sultan Kudarat ang isang re­tiradong police colonel na ina­resto kaugnay ng pagka­ka­sangkot sa Ma­guindanao mas­sacre no­ong Nob­yembre 23.

Kinumpirma ni P/Chief Supt. Josefino Cataluna, di­rec­tor ng police regional office ang pagtakas ni ex-P/Supt. Mangilem “Piang” Adam na sinasabing dating hepe ng Maguindanao police office.

Si Adam ay kilalang ka­alyado ng mga Ampa­tuan at sinasabing nag-supply ng mga baril na ginamit sa Maguindanao massacre.

Pinagpapaliwanag na­man ni Cataluna ang mga jail­guard sa Sultan Kudarat Provincial Jail na nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin at makasuhan.

Base sa impormasyong na­kuha ni Buluan Vice Ma­yor Esmael “Toto” Ma­ngu­­dadatu, bukas ang main gate ng provincial jail kaya malayang nakatakas si Adam.

Si Adam ay nahaharap sa kasong illegal possession of firearms at malversation of public funds or property dahil sa kabiguang i-account ang 308 baril na nagkakahalaga ng P2.33 milyon.

Naunang kinasuhan ng Criminal Investigation and De­tection Group si Adam mata­pos na madiskubre na napun­ta sa angkan ng mga Ampa­tuan ang iba’t ibang uri ng baril at bala na na­kaisyu sa Ma­guin­danao PNP. Joy Cantos

AMPA

BULUAN VICE MA

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DE

JOSEFINO CATALUNA

JOY CANTOS

MAGUINDANAO

SHY

SI ADAM

SULTAN KUDARAT

SULTAN KUDARAT PROVINCIAL JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with