Barangay chairman kalaboso

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang barangay chairman makaraang maaresto ng pulisya sa pag-iingat ng tatlong malalakas na kali­bre ng baril at mga bala sa Barangay Daraga sa bayan ng Placer, Masbate kama­kalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Antonio de Ocampo na nakumpiskahan ng dala­wang Armalite rifles, KG99 machine pistol at mga bala na walang kaukulang pa­pe­les mula sa Comelec. Ayon kay P/Supt. Eliciar Bron, ang pagkumpiska sa mga armas ni de Ocampo ay base sa search warrant na ipinalabas ni Judge Nilo B. Barsaga ng Masbate Regional Trial Court Branch 46. Ed Casulla

Show comments