Barangay chairman kalaboso
CAMP SIMEON OLA , Legazpi City – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang barangay chairman makaraang maaresto ng pulisya sa pag-iingat ng tatlong malalakas na kalibre ng baril at mga bala sa Barangay Daraga sa bayan ng Placer, Masbate kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Antonio de Ocampo na nakumpiskahan ng dalawang Armalite rifles, KG99 machine pistol at mga bala na walang kaukulang papeles mula sa Comelec. Ayon kay P/Supt. Eliciar Bron, ang pagkumpiska sa mga armas ni de Ocampo ay base sa search warrant na ipinalabas ni Judge Nilo B. Barsaga ng Masbate Regional Trial Court Branch 46. Ed Casulla
- Latest
- Trending