Bata gutay sa granada

KIDAPAWAN CITY , Philippines  – Halos magutay ang katawan ng isang 13-anyos na lalaki habang malubha naman ang ama nito makaraang sumabog ang granada sa pilapil ng palayan noong Sabado ng umaga sa Purok 7, Sitio Kakal, Barangay Ugalingan sa bayan ng Carmen, North Cotabato. Kinilala ang nasawi na si Joebert Abellana Librando habang ginagamot naman sa ospital sa bayan ng Kabacan si Tirso Librando. Sa ulat ni P/Insp. Winston Seniel, hepe ng Carmen PNP, naglalakad sa may pilapil ng kanilang palayan ang mag-ama nang maapakan ni Joebert ang kawayan kung saan ikinabit ang safety pin ng granada at sumabog.

Lumalabas sa imbestigasyon na posibleng si Librando ang nagtanim ng granada bilang booby trap sa kanyang mga kalaban sa lupa at patubigan. Kapag napatunayang may kinalaman si Librando sa kaso, ay nahaharap ito kasong illegal possession of exp­losives. Malu Manar

Show comments