Tinedyer dedo sa rambol
BULACAN , Philippines - Isang tinedyer ang kumpirmadong nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang magrambulan ang magkalabang fraternity gang kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Manuel sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Kinilala ng pulisya ang napatay sa saksak si Jericho Fulo, 16, habang naisugod naman sa ospital ang mga sugatang sina Luigi Timan 16, at Christian Paul Seran, 15, na pawang mga miyembro ng True Brown Style Fraternity habang nakapiit naman ang mga suspek na sina Andrei Dela Cruz at John Mark Fernandez na kapwa miyembro ng Akhro Fraternity at pawang nakatira sa Pleasant Hills Subd., Brgy. San Manuel. Boy Cruz
- Latest
- Trending